Breaking News
recent

JUST IN:Katawan ng pinugutang German nat’l, natagpuan sa Indanan, Sulu


Natagpuan na ang katawan ng German national na pinugutan ng ulo ng mga bandidong Abu Sayyaf.

Ayon Joint Task Group Sulu (JTF-Sulu) commander Col. Cirilito Sobejana, natagpuan ang bangkay ng biktimang si Juergen Gustav Kantner dakong alas-5:45 ngayong hapon sa Sitio Talibang, Brgy. Buanza, Indanan, Sulu.





Advertisement


Nagsasagawa raw ang JTF-Sulu ng combat, search ang retrieval operations nang matagpuan ang bangkay ng biktima.

Agad naman daw nilang hiniling sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) na ipreserba ang crime scene at magsagawa ng post mortem examination sa katawan ni Kantner.


Advertisement


Posibleng umanong idiresto sa morge ng Kuta Heneral Teodulfo Bautista Hospital ang labi ni Kantner habang kinukumpleto ang mga papeles nito para ibiyahe.



Sponsor

Pinugutan ang biktima noong Pebrero 26 ngayong taon matapos mabigong magbayad ang kanyang pamilya ng ransom na  P30 million.




WHAT IS YOUR OPINION ABOUT THIS ISSUE?

PLEASE SHARE OUR WEBSITE TO OTHERS AND LIKE OUE FB PAGE FOR MORE NEWS UPDATES

News Media PH

Share to Facebook Share to Twitter
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of this website. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

Loading...
Vhanzkie7 Bitancur

Vhanzkie7 Bitancur

No comments:

Post a Comment

Powered by Blogger.