Breaking News
recent

WATCH: IKAKASA NA! Ang Pag-aresto kay De Lima, Senado Hindi Haharang!





Advertisement


Hindi haharangin ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III kung aarestuhin man at ikukulong si Sen. Leila de Lima sa regular na kulungan, sakaling lumabas na ang warrant of arrest sa kaso nitong may kaugnayan sa iligal na droga.

Sinabi ni Pimentel na hindi exempted ang mga senador sa criminal liability lalo na kung ang parusa ay pagkakabilanggo ng anim na taon pataas.

Ipinaliwanag pa ng Senate president na ang drug cases ay hindi konektado sa mandato ng isang senador, kaya’t hindi maaring isampa sa Sandiganbayan ang kaso kapag nagkaroon na ng resolusyon ang prosecutor.

Aniya, kapag isinampa na ang kasong kriminal sa senadora at kung magpalabas ng warrant of arrest ang korte ay hindi ito maaaring harangin ng mataas na kapulungan ng Kongreso.

Iginiit ni Pimentel na ang hindi lang maaring arestuhing mambabatas kapag nasa panahon ng sesyon ay ang may kaso na may parusang anim na taon pababa lamang.

Una rito, nagpatawag kanina ng press conference si De Lima, kung saan sinabi nito na napag-alaman niyang anumang oras ay magpapalabas na ng resolusyon ang DoJ sa mga kasong isinampa laban sa kaniya at posibleng mag-isyu ng warrant of arrest ang korte laban sa kanya.


Advertisement




Sponsor

Magugunita na noong nakaraang taon ay magkahiwalay na nagsampa ng kaso sa DoJ ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), ilang dating NBI officials at high profile inmates na si Jaybee Sebastian. ~ Source: Bomboradyo



Source:

WHAT IS YOUR OPINION ABOUT THIS ISSUE?

PLEASE SHARE OUR WEBSITE TO OTHERS AND LIKE OUE FB PAGE FOR MORE NEWS UPDATES

News Media PH

Share to Facebook Share to Twitter
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of this website. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

Loading...
Vhanzkie7 Bitancur

Vhanzkie7 Bitancur

No comments:

Post a Comment

Powered by Blogger.